Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong, sana ako pa rin; ako na lang; ako na lang ulit.
Sana ganun kadali balikan yung mga bagay na wala na. Sana ganun kadali mabura lahat ng sakit. Pero sa realidad ng buhay, hindi yun ganun-ganun lang. May mga bagay na kahit pilitin natin kuhain, hindi natin makuha. Kasi hindi natin hawak yung kagustuhan nila. Makukuha natin sila, siguro sa sandaling panahon lang. Pero minsan pa nga, hindi naman talaga natin sila nakuha. Pero kahit gaano pa man kasakit, ang kailangan lang natin gawin iangat yung sarili natin. Kailangan.